Ginang nakaipσn ng Php 160,500 sa ραgtitinda lamang ng icє candy; naging inspirasyσn ng mga netizens!

𝚆𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚖𝚙𝚘𝚜𝚒𝚋𝚕𝚎 𝚜𝚊 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚜𝚒𝚗𝚘𝚙 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚝𝚒𝚢𝚊𝚐𝚊.

𝙸𝚝𝚘 𝚖𝚊𝚛𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚗𝚜𝚙𝚒𝚛𝚊𝚜𝚢𝚘𝚗 𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝙽𝚊𝚗𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚗𝚜𝚙𝚒𝚛𝚊𝚜𝚢𝚘𝚗 𝚜𝚊 𝚜𝚘𝚌𝚒𝚊𝚕 𝚖𝚎𝚍𝚒𝚊 𝚔𝚊𝚖𝚊𝚔𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗 𝚕𝚊𝚗𝚐. 𝙸𝚝𝚘 𝚊𝚢 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚑𝚊𝚗𝚐𝚊-𝚑𝚊𝚗𝚐𝚊 𝚗𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚍𝚎𝚍𝚒𝚔𝚊𝚜𝚢𝚘𝚗 𝚊𝚝 𝚙𝚊𝚐𝚜𝚒𝚜𝚒𝚔𝚊𝚙 𝚜𝚊 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚒𝚒𝚝 𝚗𝚊 𝚗𝚎𝚐𝚘𝚜𝚢𝚘 𝚞𝚙𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚔𝚊𝚒𝚙𝚘𝚗.

Mula sa pag-gawa at pagtitinda lamang ng ice candy, sa loob ng isang taon ay nakakahangang nakapag-ipon ang isang Rez Rid Moreno ng halagang Php 160 500!

Masayang binuksan ng Ginang na ito ang perang kanyang pinagsikapang maipon sa isang lata. Galing lahat ng ito sa kanyang kita sa pagtitinda lamang ng ice candy.

Ngunit, paano niya kaya ito nagawa?

Ayon kay Moreno, bawat araw ay sinisikap niyang makapag-hulog sa lata kung saan naroon ang kanyang ipon. Dalawang kaserola umano ng ice candy ang kanyang nagagawa bawat araw; ang isa ay nasa flavor ng mangga at ang isa ay buko.

 

  Imahe galing kay Riz Red Moreno

Sa bawat 165 piraso ng ice candy na nagagawa niya sa isang kaserola, nabebenta ni Moreno ang mga ito ng limang peso kada piraso. Kumikita umano siya rito ng Php 825. Sa kitang ito, ayon kay Moreno ay Php 400 ang kanyang nakukuhang tubo.

Kaya naman, sa dalawang kaserolang ice candy na kanyang nagagawa araw-araw, tumutubo siya ng Php 800.

Ayon kay Moreno, sa Php 800 na ito ay itinatabi niya para sa kanyang ipon ang Php 500, habang ang natira ay siya namang pambayad niya sa kuryente.

 

  Imahe galing kay Riz Red Moreno

Matiyaga umano itong ipinagpatuloy at pinanatili ni Moreno sa loob ng isang taon. Walang palya ang kanyang paggawa ng ice candy araw-araw, maliban na lamang umano kapag mayroong bagyo o kapag hindi maayos ang kanyang pakiramdam.

Kaya naman, dahil sa dedikasyong ito, hindi siya nagsisi sa naging resulta ng kanyang tiyaga, pagsisikap, at pagiging masinop. Inani niya lang naman mula rito ang halagang Php 160 500.

Malaking bahagi umano ng inspirasyon ni Moreno sa paggawa nito ay ang PESO SENSE, isang Facebook page kung saan tumutulong ito sa mga tao kung paano maisagawa ang epektibong pag-iipon ng pera. Maliban kay Moreno, maraming tao na rin ang natulungan nito.

Sino ba naman ang makakapag-isip na sa simpleng pagtitinda lamang ng ice candy, sa dulo ng taon ay makaka-kamit ka ng halagang Php 160 500.

 

Imahe galing kay Riz Red Moreno

Dahil rito, hindi mapagsidlan ang tuwa ni Moreno nang mabuksan na ang ipon. Isang tunay na magandang regalo sa kapaskuhan at sa pagsisimula ng panibagong taon.

Dahil sa matagumpay na pag-iipon, nagbigay na rin ng payo itong si Moreno sa kapwa niyang mga Nanay na hindi imposible na makahawak ng ganito kalaking pera nang mula sa iyong sariling tiyaga at pagsisikap.

“…kaya sa mga nanay, kahit nasa bahay lang kayo, kaya niyo ring makaipon. Sipag, tiyaga lang talaga, at disiplina pagdating sa pera.

“…sana [ay] naging inspirasyon ang ipon challenge ko na ito,” saad pa ni Moreno.

Imahe galing kay Riz Red Moreno

Kaya naman, tunay na isang inspirasyon si Moreno sa maraming taong nais ring maging masinop at makaipon ng pera. Kung sa simpleng pagtitinda lang ng ice candy ay nagawa niyang maka-ipon ng ganito kalaking pera, kaya rin ito ng kahit sino basta’t huwag lamang susuko at pag-igihin lamang ang pagiging masikap.

Source: Facebook
Read also:

Lola Ni Jake Cyrus, Humihingi Ritσ ng Tulσng: “Charice, bαkit mo akσ ginαgαnitσ anαk?”

𝙺𝚊𝚖𝚊𝚔𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚢 𝚔𝚞𝚖𝚊𝚕𝚊𝚝 𝚜𝚊 𝚜𝚘𝚌𝚒𝚊𝚕 𝚖𝚎𝚍𝚒𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚟𝚒𝚍𝚎𝚘 𝚗𝚐 𝚕𝚘𝚕𝚊 𝚗𝚒 𝙹𝚊𝚔𝚎 𝙲𝚢𝚛𝚞𝚜, 𝚘 𝚍𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝙲𝚑𝚊𝚛𝚒𝚌𝚎 𝙿𝚎𝚖𝚙𝚎𝚗𝚐𝚌𝚘. 𝚂𝚊 𝚗𝚊𝚝𝚞𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚟𝚒𝚍𝚎𝚘, 𝚖𝚊𝚔𝚒𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚎𝚖𝚘𝚜𝚢𝚘𝚗𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝚃𝚎𝚜𝚜 𝙿𝚒𝚗𝚎𝚍𝚊 𝚑𝚊𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚑𝚞𝚖𝚒𝚑𝚒𝚗𝚐𝚒 𝚗𝚐 𝚝𝚞𝚕𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚙𝚘𝚜 𝚍𝚊𝚠 𝚜𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚙𝚊𝚜𝚊-𝚙𝚊𝚜𝚊𝚑𝚊𝚗 𝚍𝚊𝚠 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚊𝚗𝚊𝚔.

𝚂𝚊 𝚋𝚊𝚗𝚍𝚊𝚗𝚐 𝚑𝚞𝚕𝚒 𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚜𝚊𝚋𝚒𝚖𝚐 𝚟𝚒𝚍𝚎𝚘, 𝚖𝚊𝚔𝚒𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝟽𝟺 𝚝𝚊𝚘𝚗𝚐 𝚐𝚞𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝚃𝚎𝚜𝚜 𝚗𝚊 𝚋𝚒𝚗𝚊𝚋𝚊𝚗𝚐𝚐𝚒𝚝 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚙𝚘𝚗𝚐 𝚜𝚒 𝙹𝚊𝚔𝚎 𝚗𝚊 𝚝𝚒𝚗𝚊𝚝𝚊𝚠𝚊𝚐 𝚙𝚊 𝚛𝚒𝚗 𝚗𝚒𝚝𝚘 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝙲𝚑𝚊𝚛𝚒𝚌𝚎. 𝙳𝚒𝚝𝚘, 𝚝𝚒𝚗𝚊𝚗𝚘𝚗𝚐 𝚗𝚒𝚝𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚙𝚘 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚔𝚒𝚝 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚗𝚊 𝚛𝚊𝚠 𝚜𝚒𝚢𝚊 𝚝𝚒𝚗𝚞𝚝𝚞𝚕𝚞𝚗𝚐𝚊𝚗 𝚘 𝚗𝚊𝚊𝚊𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚗𝚒𝚝𝚘.

“Charice, bakit mo ako ginanito anak? Yung ibang tao binubuhay mo, pinakakain mo. Pero ang lola mo kahit piso hindi mo naaalala?” ani pa nito kay Jake.

“Kung ako ay naging mαsαmαng ina, kung ako ay naging mαsαmαng lola, sa akin pa rin kayo nagmula. Ano bang kasalanan ko sa inyo para paghigantihan niyo ako ng ganito?” dagdag ani pa ni Tess.

Ayon sa lola ng sikat na singer, nais niya raw na maipaabot ang kanyang paghingi ng tulong kina Raffy Tulfo, Jessica Soho, o di kaya ay kay Boy Abunda. Hindi na raw kasi ito naaalala ng sariling pamilya at pinalayas daw siya ng sariling anak. Saad pa nga nito,

“Magandang umaga po, Sir Tulfo, Ma’am Jessica Soho, kay Boy Abunda… Ako po ay lumalapit sa inyo, humihingi po ng kaunting tulong. Ako po si Tess Pineda, kilala po bilang lola ni Charice Pempengco.

“May sakit po ako, ang BP ko po lagi tatlong araw na, 160/100. Puwede po ba akong matulungan makapagpa-check-up man lang ako?”

Maliban sa pagpapa-check up, nais din daw sana ni Tess na makahingi ng kahit kaunting pangkabuhayan para sa kanyang pananahi at nang makatulong daw siya sa tinutuluyan niya ngayon.

“Hindi po ako naalala ng pamilya ko,” muli pa nitong ani.

“Lumalapit po ko sa inyo, humihingi ng tulong, makina po at pinansiyal para mapa-check up ko po yung mata ko. Nito pong nagdaang taon ako po ay na-istroke sabi ng doktor napatiran daw po ako ng ugat sa ulo, sa batok,” pagbabahagi pa ni Tess sa kanyang naging kondisyon.

Mabigat pang pahayag ng lola ng singer, wala raw itong natatanggap na sustento kahit piso. Saad pa nito,

“Pero pinilit ko pong maka-recover. Wala na po kasi ako mapagbili ng gamot. Gusto ko pong maghanapbuhay kahit konti, kumita kahit konti… Wala na po akong makina, binenta na nilang lahat. Hindi naman po ako sinusustentuhan kahit piso.”

Dagdag pa nito sa kanyang naging pahayag, hindi naman umano ito ‘nagpapahabag’. Ngunit, iginiit nito na wala na siyang natatanggap na tulong mula sa kanyang anak na si Raquel Pempengco, ang ina ni Jake.

Ayon sa ulat, nakikitira ngayon ito sa isang residente sa may Sta. Rosa Laguna.

Matapos lumabas ang video na ito, mariing itinanggi ni Raquel na pinalayas nito ang ina at iginiit na ito umano ang kusang lumayas sa kanila. Sa katunayan daw ay maayos ang pagtira doon ng kanyang nanay na mayroon pang tagapag-alaga at taga-laba.

Sa kabilang banda, wala pang anumang pahayag na inilalabas si Jake tungkol sa panawagan dito ng kanyang lola.

Source: PEP