Aktres Na Si Jane De Leon Nαkαkabighani Ang Kαgαndahan Sa Kαnyαng Nαging Birthday Photoshoot

Isa sa mga aktres ngayon sa showbiz, na may kahanga-hangang ganda at may magandang hubog ng katawan ay ang Kapamilya actress na si Jane De Leon.

Hindi nga lamang kilala si Jane de Leon, bilang isang maganda at seksing aktres, dahil maliban dito ay ilang beses na rin niyang pinatunayan ang kanyang husay sa pag-arte bilang isang artista.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Kaya naman hindi nakapagtataka, na sa dami ng nagagandahan at nagseseksihang aktres ngayon sa showbiz, ay si Jane de Leon, ang napili na gampanan ang bigating karakter bilang ang bagong Iconic Pinoy Superhero na “Darna.”

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Samantala, sa naging pagdiriwang ng aktres ng kanyang ika-22 taong kaarawan, nito lamang ika-22 ng Nobyembre 2020, ay mas lalo pang ipinamalas at ipinakita ni Jane de Leon sa publiko ang kanyang nakakahangang kagandahan, at ito ay sa pamamagitan ng birthday photoshoot na kanyang ginawa noong mismong araw ng kanyang kaarawan.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Makikita nga sa naging birthday photoshoot ni Jane, na mas lalo pang lumutang at nakabibighani ang kanyang ganda dahil sa kanyang suot-suot na napakagandang “black dress.”

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Sa Instagram account ng aktres, ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng kanyang larawan, at kasabay nito ay ang kanyang naging pasasalamat sa mga taong gumawa at naging instrumento upang matagumpay na maisakatuparan ang pangarap niyang birthday photoshoot.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

“Never ending fantasy. Thank you for the whole team who made this possible to me. Love you guys!”, ang naging saad nga ng aktres.

\

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Marami naman sa mga kaibigan ni Jane sa showbiz, ang nagpa-abot ng kanilang pagbati para sa kaarawan ng aktres, kung saan ay humanga rin ang mga ito sa napakagandang awra ni Jane sa kanyang naging birthday photoshoot.

Ilan nga sa mga artsita na kaibigan ni Jane sa industriya, na binati siya ay sina Marian Rivera, Maja Salvador at Marlo Mortel.

Matatandaan na si Jane De Leon, ay unang nakilala at nasilayan ng publiko sa telebisyon, ng mapabilang siya sa female dance group ng “It’s Showtime” na ‘GirlTrendz’. Ang kanyang naging unang proyekto, bilang isang aktres, ay noong taong 2018 at ito nga ay ng mapabilang siya sa Primetime series noon na “Halik”.

Mas naging maugong pa nga ang pangalan ni Jane de Leon, ng lumabas na ang balita na siya ang gaganap bilang ang bagong “Darna”, ang Iconic Pinay Superhero ng ating bansa.